Angeline Quinto, Gusto ng 12 Anak: “Para Isang Team Kami”

“Angeline Quinto gusto ng 12 anak para isang team sila”

Angeline Quinto, Gusto ng 12 Anak: “Para Isang Team Kami!”

$ads={1}

Inamin ng singer-actress na si Angeline Quinto na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay mula nang siya ay maging isang ina. Sa sa panayam ng Pep.ph , ibinahagi niya kung paano siya naging mas mabuting tao dahil sa kanyang mga anak.

“Mas bumait ako…”

Ayon kay Angeline:

“Feeling ko mas bumait ako, feeling ko mas pinahalagahan ko yung time. Katulad ngayon pag nakikita ko si Sylvio… kasi three years old na si Sylvio, everytime pag nagpapalit kami ng diaper, parang… Dun ko nare-realize ang bilis lumaki ng mga bata. Ayokong maka-miss ng kahit na anong mga milestone na mangyayari kina Sylvio at Sylvia. Minsan dun lang ako nagi-guilty, mayroon akong mga di nawi-witness. Parang yun ang pinakamahirap na part.”

$ads={2} 

“12 po ang gusto ko…”

Tinanong din si Angeline kung balak pa ba nilang sundan sina Sylvio at Sylvia, lalo na’t mukhang enjoy na enjoy siya sa pagiging ina.

“Twelve po ang gusto ko, para isang team kami. Pag nagkaproblema ang tatlo, may nine pa na sasalo. Gusto ko kasing kabugin ang BINI pero dahil CS ako, malabo yun. Puwede hanggang apat kung mamadaliin, ha-ha-ha-ha!”

Ibinahagi rin niya na CS o Caesarian Section ang naging paraan ng kanyang panganganak sa kanyang mga anak. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form