Ogie Diaz, Nilinaw ang Ugnayan nina Marco Gumabao at Barbie Imperial


Ogie Diaz, Nilinaw ang Ugnayan nina Marco Gumabao at Barbie Imperial.

$ads={1}

Sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update vlog sa YouTube, diretsahang sinagot ni Ogie Diaz ang kumakalat na tsismis kaugnay kina Marco Gumabao at Barbie Imperial, matapos lumabas online ang video na magkasama umano sila habang kumakain sa isang restaurant sa Rockwell.

“Silang dalawa lang daw…”

Kwento ni Ogie:

“Speaking of Marco Gumabao, aba nakita sila one time sa Rockwell ni Barbie Imperial. Kasi marami ang nakakita sa kanila, kumakain dun sa isang restaurant sa Rockwell. Silang dalawa lang daw.”

$ads={2} 

Dito, agad namang nagtanong si Mama Loi: “So silang dalawa na yung magkasama? Wala na sila ni Richard?” na tumutukoy kay Richard Gutierrez.

“Sila pa rin.”

Nilinaw naman ni Ogie:

“Sila pa rin. Hindi ba pwede?”

At ibinahagi niya ang trivia tungkol sa relasyon ng dalawa:

“Ano bang apelyido ni Barbie? Imperial. Si Marco naman ay ang tunay na pangalan ay Marco Imperial Gumabao. Sila ay magkamag-anak, at very close sila.”

Dagdag pa niya, “Si Barbie Imperial ay pamangkin sa pinsan nitong si Marco. Dahil pinsan ni Barbie Imperial ang nanay ni Marco. Kaya dun sa mga nagkakalat, dun sa mga bashers na nagsasabing sume-segway si Barbie, ayan po ang malinaw. Magkamag-anak po sila at madalas din po silang magkasama.”

“Hintayin daw nila si Richard…”

Ayon kay Ogie, ang dalawa ay naghihintay lamang noon kay Richard Gutierrez:

“Itong si Marco at si Barbie ay supposedly hihintayin nila si Richard, kaso di na kinaya ng powers ni Richard kasi that day manggagaling siya sa media con ng finale ng Incognito.”

Sa huli, nagbigay paalala si Ogie sa mga netizens:

“Itigil na po natin ang pagli-link kay Barbie Imperial at kay Marco Imperial Gumabao. Malinaw na po yan.”

 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form