Nagbigay ng papuri si Ogie Diaz kay Baron Geisler sa kanyang latest vlog sa YouTube, kung saan tinalakay niya ang pagiging propesyonal ng aktor sa set ng ABS-CBN action-drama series na Incognito.
$ads={1}
“Una, natapos ko na hindi ako nagkalat!”
Sa ginanap na media conference para sa finale ng Incognito, ibinahagi ni Baron ang isa sa kanyang pinakamalaking personal victories:
“Una, natapos ko na hindi ako nagkalat! This is the first show na maipagmamalaki ko na hindi ako pumasok sa set na nakainom... kaya ko pala,” ani Baron sa harap ng press.
Sa vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Ate Mrena, inulit niya ang kwento ni Baron at todo puri sa disiplina nito sa trabaho:
$ads={2}
"Alam mo, naikuwento ni Baron Geisler dito ano, na dito raw sa Incognito ay hindi siya nag-iinom. Oo, sabi nga niya, ‘It’s so liberating.’ Kaya sana raw sa mga susunod, kakayanin ng powers niya.”
“Tuloy-tuloy mo lang yan, Baron.”
Dagdag pa ni Ogie, nakaka-inspire ang pinakita ni Baron dahil kahit gaano siya kahusay bilang aktor, malaking sagabal ang bisyo kapag hindi nakontrol:
“Tuloy tuloy mo lang yan, Baron, kasi sayang ano. Kasi alam mo, balewala ang husay sa pag-arte kung may bisyo, kung may segway. Sayang yung husay mo. Lahat sila actually, mahuhusay.”
Pinuri rin ni Ogie ang buong cast ng Incognito na sina Richard Gutierrez, Anthony Jennings, Daniel Padilla, Kaila Estrada, at Maris Racal dahil sa kanilang solidong performance na naging dahilan ng tagumpay ng serye.