Vice Ganda nagreact matapos batiin ni Joey de Leon sa show na Eat Bulaga

Nagreact na si Vice Ganda matapos siyang batiin ni Joey de Leon sa kanyang birthday sa isang epsisode sa Eat Bulaga.

Joey de Leon at Vice Ganda

 Nitong March 31, ay nagcelebrate si Vice Ganda ng kanyang birthday. Dahil isa siya sa pinakasikat na personalidad sa telebisyon ay marami ang bumati sa kanya. Nagpost ng birthday greetings ang kanyang mga fans at mga kaibigan. Maging ang host ng katapat nilang programa na Eat Bulaga ay binati rin ang komedyante.

Sa Friday episode ng Eat Bulaga ay nagbiro si Joey tungkol sa last day na tila kinabahan ang kanyang mga co-host. Peru ang nabanggit pala ni Joey na last day ay ang tungkol sa last day of the month.

Matapos nito ay binati ni Joey ang kanyang ina ma nagcelebrate ng birthday. Pati si Vice Ganda ay binati rin ni Joey. Kaya ang ilang host rin gaya nina Ryan Agoncillo, Maja Salvador, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo at binati rin si Vice.

Base sa artikulo ng pep.ph, ay sobrang happy raw si Vice matapos siyang batiin ng mga Dabarkads.

"I’m so happy. Binati nila ako ng happy birthday sa Eat Bulaga!” he said and he specifically thanked Joey de Leon. “Binati nila ako dun, ang saya. Mabuhay kayo Eat Bulaga!, more years to come! I love you,”sabi ni Vice 

"Ang chill. The world is chilling. I love you Dabarkads. I love you Eat Bulaga! Sa lahat sa inyo diyan, maraming-maraming salamat" sabi pa ni Vice 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form