Ogie Diaz sinupalpal si Raquel Pempengco dahil sa patutsada nito kay David Foster at Morisette

 Di mapigilang supalpalin ni Ogie Diaz ang ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco dahil sa patutsada nito kay David Foster at Morisette Amon.

Raquel Pempengco at Raquel Pempengco
 

Sa "Showbiz Update Vlog" ni Ogie Diaz ay isa sa naging topic nila ay tungkol sa banat ni Raquel sa naging performance ni Morisette Amon sa concert ng Legendary Singer na si David Foster. Tila hindi kasi nagustuhan ni Raquel ang naging performance ni Morisette dahil aniya wala raw makakapantay sa boses ni Charice. Si Charice raw ang legendary singer ng Pilipinas.

Burado na ang post na iyon ni Raquel ngunit marami ang nakakuha ng screenshot sa kanyang post. Kaya ayon kay ay kahit burahin pa raw niya ang kanyang post ay mananatili na sa isip ng mga tao ang kanyang mga sinasabi.

"Kahit tanggalin mo pa ‘yan, ‘di pa rin ‘yan matatanggal sa kamalayan ng mga tao na may hash ka, may kuda ka Mommy Raquel. Wala naman problema, magkaiba naman si Charice Pempengco at si Morissette Amon. Kung feeling mo, ‘di nabigyan ng justice ni Morissette Amon ‘yung kanta at ‘yung anak mo lamang ang makakakanta, eh babalik na naman tayo sa dati na parang hindi mo talaga gusto ang pagbabagong-anyo ni Charice Pempengco na ngayo’y Jake Zyrus na,” sabi ni Ogie
 
"Kasalanan ba ni Morissette kung kumanta siya? Kasalanan din ba ni David na pakantahin niya ‘yung kanta niya kay Morissette? Wala rin naman kasalanan si Charice kung magbago siya ng anyo, pero para magsalita ka ng ganito ay parang hindi maganda,”dagdag pa niya 

Sabi pa ni Ogie kaya raw siya nabash ay dahil sa kanyang mga sinasabi. 

"Maging phase ng ibang tao, sa boses ng anak mo nagbabago. Maaaring kaya pa rin ibirit ni Jake Zyrus ang kanta ng dating Charice Pempengco. Nakakaloka ito, paano kapag si Charice na ang pakantahin ni David, wala ka nang masasabi ganun? Dahil iba pinakanta, may nasasabi ka na. Hindi maganda ang pag-uugali na ganun, Mommy Raquel,” sabi ni Ogie

“‘Yung opinyon mo ginagalang ko pero syempre tingnan mo naman nag-opinyon ang mga tao. Binabash ka tuloy. Baka pwede mong –i-asses ang sarili mo kung saan ka nagkamali. Kung nagkamali ka ba sa mga kuda mo,”dagdag pa niya 

Ayon kay Ogie wala naman daw problema kung ipagtanggolnang anak peru ang naging problema lang daw ay may nasagasaan na umanong tao.

“Walang problema kung ipagtatanggol moa ng anak mo kasi anak mo ‘yan. Walang problema kung idedepensa mo siya at kung feeling mo si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makakapagbigay ng justice sa song. Ang problema, may sinasagasaan kang tao,” sabi ni Ogie

Request din ni Ogie na sana ay baguhin raw ni Raquel ang kanyang pag-uugali.

“Yun ang hindi maganda. Kaya sana baguhin mo ang ganyang pag-uugali ha, Mommy Raquel. Hindi pa huli ang lahat, kaya mo pang gawin ‘yan" sabi niya 

Pwede mong panoorin ang kabuuang sinabi ni Ogie dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. Mainit ang panahon Kya Pati mga ulo ntin ay ganun nlng ang pAg kulo dipoba.mawalang galang npo sa Inyong lahat..maaring nagkamali si mommy ni Jake Pero... Sa Isang banda ay nkaka puno ng love ❤️ ang kanyang malalim na pinaghuhugutang patutsada Kya ipag paumanhin nlng po ntin intindihin ntin ang inang nakaramdam ng konting sakit o Sama ng loob dahil sa sa nkaraan ng kanya anak .nakaraan na di malilimutan at laging nkatatak sa bawat puso ng mamayang Pilipino ng minsan bigyan ni charice ng karangalang ang ating bansa at itatak sa Tenga at isip ng mga banyaga na hey stop look and LISTEN to me .....devvvaaaass

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form