Ogie Diaz nagreact na sa isyu nina John Estrada at Priscilla: "Ano kasi si John e, lapitin!""

Nagbigay narin ng kanyang reaksyon si Ogie Diaz sa isyu ng mag-asawang sina John Estrada at Priscilla Meirelles.

Ogie Diaz/ Priscilla Meirelles at John Estrada 

Sa "Showbiz Update Vlog" ni Ogie Diaz isa sa kanilang natalakay ay tungkol sa isyu ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles. Kamakailan lang kasi ay sunod sunod ang mga cryptic post ni Priscilla sa kanyang social media account.

Ibinahagi rin ni Priscilla ang convo nila ng babaeng nakachat umano ni John. Ang naturang babae ay nakilala ay ni John sa Cebu nang pumunta ang nga cast ng Batang Quiapo.

Itinanggi naman ng babae na may namamagitan sa kanila ng actor. Naki-usap rin si Priscilla sa naturang babae na burahin raw ang number ng actor at kung mayroon raw itong kailangan hinggil sa trabaho ay ipapadaan nalang umano ito sa kanya.

Kaya naman sa kanyang vlog, sinasabi ni Ogie na kilalang-kilala raw niya si John at lapitin din daw ang actor.

"Kung kilala ko si John, kilala ko siya. Ano kasi si John e , lapitin yung kumpare ko na 'yan. Irresistable. Per siyempre, hindi naman rason 'yun para yugyugin naitn ang relasyon nila. Pasasaan ba at isa lamang ito sa itinuturing nating pagsubok sa kanilang relasyon lalo na at meron silang anak. Babae pa mandin." sabi ni Ogie Diaz 

Pwede mong panoorin dito ang kabuuang pahayag ni Ogie Diaz kaugnay sa isyu.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form