Ogie Diaz sa pag-iingay ni Rendon sa social media: "Naniniwala akong matalino si Rendon”

Nagbigay ng kanyang prangkang reaksyon si Ogie Diaz sa pag-iingay ni Rendon Labador sa social media.

Ogie Diaz sa pag-iingay ni Rendon sa social media: "Naniniwala akong matalino si Rendon”

Sa 'showbiz update vlog' ni Ogie Diaz ay isa sa naging topic nila ang tungkol sa mga komento ni Rendon kamakailan laban kay Coco Martin. Hot topic kasi si Rendon sa social media matapos nitong banatan si Coco. 

Nang magbukas ng negosyo si Rendon kamakailan ay sinasabi niya na wala umanong bumili ng ticket sa kanila. Sinisi pa niya ang mga fans ni Coco dahil pene-personal raw siya ng mga ito.

Kaya ayon kay Mrena, kasama ni Ogie sa kanyang vlog ay baka raw ginagamit lang ni Rendon si Coco para ma-curious ang mga tao sa kanyang bar. Kaya naniniwa raw si Ogie na matalino itong si Rendon.

“Ako ha, naniniwala akong matalino si Rendon. Parang ganito ang kaniyang anggulo to promote ‘yung business niya.”sabi ni Ogie 

Naniniwala din si Ogie na style raw ito ni Rendon para sa kanyang internet image para raw i-follow siya ng mga tao. 

“Ito naman si Coco Martin, hindi naman pumapatol masyado. Parang bising-bisi masyado si Coco para patulan pa o sagutin pa ‘yung mga hanash ni Labador,” sey ni Ogie

Sey naman ni Mrena: “‘di kaya’y ginagamit nga lang ni Rendon ang Kapamilya star para sa personal na mga benepisyo?" 

"Pwedeng ganon nga. Pero ‘di natin alam kung ano rin ang laman ng puso ni Labador o kung ano naman ang laman ng utak,”sambat naman ni Ogie 

"Siguro ini-enjoy din lang niya ‘yun. Siguro ‘yung engagement ng mga tao sa kaniyang mga post ay natutuwa siya. “Kung ako manager ni Coco ah. I will not let Coco talk about this nor dignify this issue by giving comment sa mga post ni Rendon,”dagdag pa ni Ogie 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form