Hala! Juliana Segovia sinubukang ibenta ng 1milyon ang korona na napanalunan niya sa Miss Q & A

Sinubukang ibenta ni Juliana Parizcova Segovia ang napanalunan niyang korona sa Miss Q & A sa halagang isang milyon.

Juliana Segovia sinubukang ibenta ng 1milyon ang korona na napanalunan niya sa Miss Q & A

Si Juliana ang kauna-unahang nanalo sa Miss Q & A segment ng Its Showtime at ngayon sa youtube channel ng "Boss Toyo Production" ay sibukan ng komedyante na ibenta ang ten crowns, trophy, at ang grand final crown niya sa halagang isang milyon.

"Limang taon na rin ang nakalipas so parang kahit mawala na ito sa akin, history na rin ‘yun eh,” sey ni Juliana 

Nilista narin ni Julia ang kanyang mga napanalunan sa competition na mula pa noong 2018. Kabilang na rito ang P1 million cash prize, business package, cosmetic surgery package na hindi pa niya nagamit.

"Ang bawat isa (korona) nito ay P20,000 ‘yung worth niya. So ten ‘to is P200,000. Itong crown na ‘to ang worth nito ay P450,000 na [dahil] the Swarovski, the silver ganyan, plus ‘yung trophy. So, siyempre napanalunan ko siya ng P1M so P1M,” sey ni Juliana 

Ngunit hindi ito tinanggap ni Boss Toyo dahil hindi raw kaya sa kanyang budget ang presyo ni Juliana. 

"Maganda sana ito sa shop kasi may kwento, may provinance, may pagdating ng panahon, tumanda man siya, may kwento siya kasi unang-una, first season rin ng Miss Q&A… OG ka, kaso P1 million,”sabi ni Boss Toyo 

Sinubukan naman ni Boss Toyo na offeran si Juliana sa halanggang 400k pesos ngunit hindi ito tinanggap ng komedyante.

"Sayang at hindi kami nakapag-close deal ni Boss Toyo doon sa aking crown ng grand finals, ‘yung 10 crowns noong nag-hall of fame ako, at trophy pero gayunpaman, maraming maraming salamat pa rin sa warm welcome,”sey nu Juliana 

Samantala ang naturang vlog ay noon pang December 27, 2022 naipost sa youtube ngunit ngayon lang ito naging usap-usapan sa social media.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form