Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kung gaano kahirap maging isang Talent Manager.
Ogie Diaz at Liza Soberano |
Si Ogie Diaz na may tunay na pangalan na Roger Diaz Pandaan ay isang kilalang Filipino comedian, actor, entertainment reporter, at talent manager. Kilala bilang "Pekto" sa kanyang character sa long-running former television show na "Palibhasa Lalake".
Isa rin sa mga talent na napasikat ni Ogie ay ang actress na si Liza Soberano.
Samantala, sa kanyang post sa Facebook ay naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kung gaano kahirap maging isang talent manager.
Sabi niya sa kanyang Facebook post:
"Akala n’yo, madaling mag-manage ng talents? Ay, hindi po. Apakahirap. Para kang buntis. Binubuo mo pa lang sa iyong sinapupunan, iniisip mo na ang future niya.
"Hindi ka lang basta manager — nanay, tatay, kapatid, kaibigan ka din nila. Ibig sabihin, pati personal nilang buhay, kailangan mong gabayan — nang walang komisyon. Nang labas na sa trabaho mo bilang talent manager.
"Pag napapa-trouble sila sa labas, kailangan ka nila. Di pwedeng di mo sila samahan kahit wala ka namang kinalaman. Pag nasasangkot sila sa isyu na sila rin ang may gawa, dahil manager ka, troubleshooter ka din.
"Akala ng ibang mga mema, kuha lang nang kuha ng komisyon ang talent manager.
"Hoy, ano’ng feeling nyo?
"Kakakilala ko lang sa talent ngayon, gusto nyo, sikat na siya next week?
"Gusto nyo, pag-iri ko sa sanggol ngayon, Grade 6 na siya next week?
"Eh, kung ganun pala gusto nyo at marunong pa kayo sa manager, ba’t hindi kayo ang mag-manage? Ang dami nyo palang alam, eh.
"Since 1986 pa ako sa showbiz. Mula sa pagiging alalay ko kay Ate Cristy Fermin (na by the way, kahit saan ako magpunta, lagi kong ipinagpapasalamat na kung hindi niya ako pinagkatiwalaan ay hindi ko naman mararating ang kung anuman ako ngayon, sabihin pa ng iba na magkasalungat pa kung minsan ang mga stand namin sa mga isyu — wala naman kaming pakialam ni Ate Cristy) hanggang sa maging manunulat ako, editor ng ilang magazines, natutong umarte, naging field reporter, radio anchor, segment host na eventually naging talk show host at naging talent manager at ngayon ay nasa vlogging na rin.
"Binanggit ko na lahat yung pinagdaanan ko kasi gusto kong sabihin sa inyo na hindi ko naman overnight na-achieve ang goal ko in life. Pinatibay din ako ng mga trabahong pinasok ko.
"Yun ang humubog sa akin, kaya very grateful ako sa mga taong naging bahagi ng success ko.
"Kaya bukod kay Ate Cristy, gusto kong pasalamatan ang mga kaibigan ko sa industriyang ito na tumulong sa akin (di ko na kayo iisa-isahin, baka me makalimutan pa ako), ang ABS-CBN na anytime gusto kong magka-show, magma-magic lang si Tita Cory Vidanes, the following week, me tatawag nang EP sa akin.
"Higit sa lahat, wag nating kalimutan pasalamatan ang Diyos kasi sa Kanya galing ang mga blessings.
"Gratitude and humility, dapat meron ang isang tao para tuloy-tuloy lang ang blessings"
Akala n’yo, madaling mag-manage ng talents? Ay, hindi po. Apakahirap. Para kang buntis. Binubuo mo pa lang sa iyong...
Posted by Ogie Diaz on Monday, 27 February 2023