Cristy Fermin may matinding birada kay Liza Soberano kaugnay sa pahayag niyang tila naging sunod-sunuran lamang siya

Naglabas ng matinding banat si Cristy Fermin laban kay Liza Soberano kaugnay sa naging pahayag nito na tila naging sunod-sunuran lamang siya sa takbo ng kanyang career sa ABSCBN 

Si Liza Soberano na may tunay na pangalan na Hope Elizabeth Soberano ay isang Filipino American actress, model at singer. Siya ay sumikat sa romantic comedy television series na Forevermore noong 2014–2015 na kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil. Mula na noong ay isa na ang dalawa sa pinakasikat na love team sa Philippine Television.   

Samantala sa latest vlog ni Cristy Fermin ay naglabas siya ng saloobin laban sa mga naging pahayag ni Liza Soberano kaugnay sa itinakbo ng kanyang career sa ABSCBN.

Sabi ni Cristy Fermin:

"Hindi ako nagagalit. Nalulungkot ako para kay Liza. Sa kasaysayan po ng pelikula, nagkaroon po tayo ng Superstar, Nora Aunor. Nagkaroon po tayo ng Star For All Seasons, Vilma Santos.Meron po tayong Megastar, Sharon Cuneta.

"Meron po tayong Diamond Star, Maricel Soriano.At iba pang mga personalidad na naabot ang kanilang mga pangarap. Never po tayong nakarinig ng anumang salita sa binanggit naming artista, na noong sila po sa pagharap sa camera, sila ay ninakawan ng sariling personalidad, ng kanilang kaligayahan, ng kanilang pagkatao, ng kanilang kalayaan.Wala po.

"Puro pagpapahalaga po sa kanilang karera ang ating narinig at ating nabasa at napanood. Bukod tanging itong Liza Soberano na ito ang nagsabi ng puro reklamo.

"Lahat pala ng sakripisyong ginawa sa'yo ni Ogie Diaz, na bumakod sa'yo, isinilid ka sa plastic balloon para huwag kang masaktan para maabot mo ang pangarap mo hindi mo pala pinahahalagahan. Yung pinuhunan pala sa'yo na panahon, salapi, atensyon, at pag-aalaga ng ABS-CBN, ng Star Magic, balewala rin pala sa'yo iyon. Nagrereklamo ka pa ngayon. 

"Ikaw lang ang tanging artista na naringgan namin na nagreklamo sa ibinigay na magandang oportunidad sa'yo ng iyong manager at ng iyong produksyon."

"Nakakalungkot ka Liza Soberano. Napakaraming artista sa kasaysayan ng pelikula at telebisyon na nagtagumpay na pinahalagahan ang kanilang ginagawa. 'WALANG UTANG NA LOOB ITONG BATANG ITO.'"

Panoorin: 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form