Ogie Diaz bumwelta sa pahayag ni Willie Revillame?

Larawan mula sa Wowowin/ Ogie Diaz YouTube 

Bumwelta na ang komedyanteng si Ogie Diaz sa naging pahayag ni Willie Revillame sa mga natulungan nito noon.

$ads={1} 

Matatandaan na naglabas ng saloobin kamakailan si Willie sa kanyang show na Wowowin sa ALLTV kaugnay sa mga natulungan niya noon na sinisiraan raw siya ngayon.

"Maraming naglalabasan ngayon at talagang medyo winawasak ang pagkatao ko, sinisiraan. Meron akong mga taong minahal at tinulungan… sinabihan pa akong mayabang ngayon,” sabi ni Willie 

$ads={2} 

“Hindi na ako matatakot sa inyong lahat, laban na ito kung laban. Masyado niyo na akong inaapi. Tirahin niyo ako minu-minuto, I don’t care dahil kayo ang may utang na loob sa akin, hindi ako.” dagdag pa niya 

Sa kanyang post sa Facebook ay naglabas ng saloobin si Ogie kaugnay sa naging pahayag ni Willie.

Sabi niya: "Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya. Nabunutan na siya ng tinik. 'Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kanya, kailangan na niyang manumbat.

In short, sana, na-happy siya sa kanyang ginawa. At nakaginhawa sa kanyang mental health.

Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? 'Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n'yo against you pag nangyari 'yon.

At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n'yong masumbatan balang-araw.

Oh, by the way. 'Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa din.

Tapos, idiniretso ko din sa Kasuso Foundation. Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko.  

Thank you, ha? Malaking tulong 'yon.

Ha? Ako? Kung may isusumbat sa kanya?

Wala. Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat. Pag ginawa mo nang kusang loob at bukal sa puso ang isang bagay, nakakalimutan mo 'yon as time goes by. Kasi nga, naturalesa mo ang magbigay at maging mabuti sa kapwa. 

Alangan namang isa-isahin ko sa kanya ang pagtatanggol ko sa kanya noon eh ginawa ko naman yon nang kusang loob at deserve naman niyang maipagtanggol.

 'Yun ba, tatapatan ko pa ba 'yon ng presyo? Hindi na.

Kulang ang 50k. Baka abutin 'yon ng 51k"

"Kayo ang may utang na loob sa akin!" Sabeeee???!!!! Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya...

Posted by Ogie Diaz on Wednesday, 8 February 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form