Cristy sa umanoy panunumbat ni Willie: "“Anong dapat na tanawin kong utang na loob sa’yo?”

Cristy Fermin naglabas ng saloobin kay Willie Revillame
Larawan mula sa Wowowin/OnePh

Naglabas ng kanyang seryosong saloobin si Cristy Fermin kaugnay sa umanoy panunumbat ni Willie Revillame.

$ads={1} 

Si Willie Revillame na may tunay na pangalan na Wilfredo Buendia Revillame ay isang kilalang television host, comedian, singer, songwriter, actor, at businessman. Si Willie ay kasalukuyan ngayon host sa Wowowin ng AllTV.   

Sa kanyang online show, sinagot ni Cristy Fermin ang umanoy panunumbat ni Willie Revillame sa mga natulungan nito. Matatandaan na naglabas ng kanyang hinaing si Willie sa mga tao na kanya umanong natulungan ngunit sinisiraan raw siya ngayon.

$ads={2} 

"Maraming naglalabasan ngayon at talagang medyo winawasak ang pagkatao ko, sinisiraan. Meron akong mga taong minahal at tinulungan… sinabihan pa akong mayabang ngayon,” sabi ni Willie

“Hindi na ako matatakot sa inyong lahat, laban na ito kung laban. Masyado niyo na akong inaapi. Tirahin niyo ako minu-minuto, I don’t care dahil kayo ang may utang na loob sa akin, hindi ako.” dagdag pa niya 

Kaya naman sa kanyang show tila nairita si Cristy kaugnay sa naging pahayag ni Willie.

“Nakakasakit po ng damdamin. Sinabi ko raw na mayabang siya, walang utang na loob. Anong dapat na tanawin kong utang a loob sa iyo, Willie Revillame?” sabi ni Fermin

“Magbilangan tayo! Masakit sabihin, masakit marinig, nagkatulungan tayong dalawa.”dagdag pa niya 

Sa ngayon ay wala pang sagot si Willie kaugnay sa isyu.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form