Larawan mula sa Youtube |
Naglabas ng subpoena ang NBI laban kay Luis Manzano matapos umanong masangkot ang actor sa umanoy investment scam ng kumpanyang Flex Fuel Petroleum Corp..
$ads={1}
Si Luis Manzano na may tunay na pangalan na Luis Philippe Santos Manzano na kilala rin sa tawag na Lucky ay isang kilalang TV host, actor, comedian, VJ, at model. Siya ay anak nina Edua Manzano at Vilma Santos.
Kilala si Luis sa mga roles niya sa television series na Komiks Presents: Flash Bomba bilang Roldan Legaspi at sa 2009 film na In My Life bilang Mark Salvacion.
Sa report ng 24 Oras, labin limang (15) OFW ang naghain ng reklamo sa NBI at 40 naman ang mga complainants dito sa Pilipinas.
$ads={2}
Kwento ng isang investor na nag-invest ng 1 million: "Pumasok po sa aming Zoom meeting si Luis Manzano at nagpakilalang owner at chairman ng Flex Fuel. Ito raw po ay isang lifetime business, pandemic business kaya po napakaganda po. Ako po ay nagloan sa bangko upang mapadala po sa Flex Fuel para po sa investment. At ng April 22, 2022, makalipas ang anim na buwan, wala pa rin po silang natatayo na gasoline station. Kahit isa,"
Isa namang investor ang nagsasabi na handa nilang itigil ang reklamo basta ibalik lang ang kanilang pera.
"Ibalik niya ang pera namin. Kahit principal, 'yung buong pera lang namin na dineposit sa account niya. Kahit wala na 'yung kinita, wala na 'yung interes. Hindi na kami magsasampa ng kaso"sabi ng naturang investor
Matatandaan na itinanggi ni Luis na involved siya sa naturang kumpanya at isa rin daw siyang biktima na nawalan rin ng investment.
Pwede mong panoorin dito ang kabuuang report.