Lolit Solis naglabas ng saloobin sa pananahimik ni Angel Locsin sa Social Media

 

Angel Locsin at Lolit Solis

Naglabas ng kanyang saloobin si Lolit Solis sa matagal na hindi pagparamdam ni Angel Locsin sa social media.

$ads={1}

Si Lolita "Lolit" A. Solis na ipinanganak noong May 20, 1947 ay isang kilalang talk show host, entertainment news writer at talent manager. Base sa Wikipedia, si Lolit ay lumaki sa squatters’ area sa Lardizabal, Sampaloc, malapit sa National University na kung saan siya um-attend ng isang journalism seminar. 

Sa kanyang post sa instagram, ay naglabas si Lolit ng saloobin sa hindi na pagparamdam ni Angel Locsin sa social media.

$ads={2}

"Naku Salve lahat naghahanap kay Angel Locsin dahil matagal ng di nakikita. Baka naman talagang gusto nila ni Neil Arce na malayo muna sa public eyes dahil private muna ang gusto nilang buhay. Saka sobra ang pressure na sana magka baby na ang mag asawa. Siyempre gusto naman ni Angel na tahimik muna ang lahat ngayon dahil ang tagal na niyang nasa limelight ngayon ang panahon na sarili naman niya ang tignan niya." sabi ni Lolit

"Si Neil Arce naman laging supportive sa gusto ni Angel kaya walang problema basta gusto nito. Dapat din maging supportive ang mga fans ni Angel sa kanya, huwag itong i pressure na makita sa public pag hindi nito gusto."dagdag pa niya 

Nagbigay rin ng mensahe si Lolit para kay Angel.

Sabi niya: "Take your time Angel Locsin, deserving ka na magpahinga at ang private life mo muna ang harapin. Your married life is your priority now, at hoping it will be a peaceful happy life forever. "

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form