Miles Ocampo naglabas ng saloobin sa kasikatan nina Kathryn at Julia na nakasabayan niya noon sa Goin Bulilit

Naglabas ng kanyang prangkang saloobin si Miles Ocampo sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes na ka-batch niya noon sa Goin Bulilit.

Larawan mula sa instagram: bernardokath/montesjulia08/milesocampo

Si Miles Ocampo na may tunay na pangalan na Camille Tan Hojilla ay isang kilalang Filipino actress, model, writer, at singer. Siya ay isa sa mga cast noon nang kiddie gag show noon na Goin' Bulilit. Ngayon kasalukuyan siyang under sa Crown Artist Management, ang talent agency ni Maja Salvador.

Sa isang panayam, ay ibinahagi ni Miles na bata pa lang siya ay pangarap na niyang mag-artista.

“Pangarap ko talagang sumikat, pinagkakaguluhan, kaso (walang gaanong work) kaya naisip ko na may mangyayari pa ba sa akin?” sey ni Miles sa panayam nito sa YouTube Channel ni Bernadette Sembrano 

Sey pa ni Miles gusto rin daw niya na sumikat gaya na lamang nina Julia Montes at Kathryn Bernardo na nakasabayan niya sa Goin Bulilit.

“Sina ate Julia at ate Kath sa first batch namin na sikat na sikat after ‘Mara Clara’ tapos nandoon ako sa awkward stage na, ‘gusto ko rin ng ganu’n’. Hindi ko po ide-deny na sinabi kong ‘sana ako rin ganu’n.’sabi ni Miles 

Peru iniisip din ni Miles na baka hindi pa raw niya time na sumikat.

“Pero sa industry natin mari-realize mo na hindi nasa ‘yo ang spotlight all the time. Lagi kong iniisip ate na baka hindi ko pa talaga time." sey ni Miles 

Sey pa ni Miles kung bibigyan raw siya ng project ay dapat galingan para madiscover.

“Kaya once na may ibinigay na project sa ‘yo, that’s the time na galingan mo para time mo to shine, ibigay mo ng best mo kasi hindi mo alam kung sino ang makakapanood no’n." sabi niya

“So, bilang artista kung titingnan ko ang bigger picture hindi na ‘yung pasikatan sa longevity na lang talaga ako, kalma ka lang, steady ka lang tapos pag may work ibibigay mo ang best mo kasi doon ko na-realize na anytime puwede kang palitan,” dagdag pa nito 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form