K Brosas nagulantang bakit nawala ang interview niya sa YouTube channel ni Toni; Ogie Diaz naglabas ng saloobin

Nagtataka raw si K Brosas kung bakit biglang naglaho ang interview niya kay Toni Gonzaga.

 

Larawan mula sa Youtube Toni talks/Ogie Diaz

Si K Brosas na may tunay na pangalan na Maria Carmela Brosas ay isang kilalang Filipina actress, comedian, singer at television host. Siya ay under ngayon Cornerstone Entertainment at kilala bilang isang kakampink.

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, ay ibinahagi nito na nagtataka umano si K Brosas nang biglang mawala ang interview niya sa YouTube Channel ni Toni Gonzaga.

"Actually ka-PM ko si K Brosas. kahit daw siya ay nagtataka bakit nawawala ang interview niya kay Toni e 'dun daw siya humagulhol. 'Dun daw siya bumigay talaga. Bakit daw nawala ‘yung interview,”sabi ni Ogie  

Kaya napatanong sila na baka dahil sa Politika kaya ito nawala

"Pwede naman kuya dahil iba ‘yung sinuportahan nila nung eleksyon,” tanong ng kasama ni Ogie na si Mema 

"Pwede rin naman na magkaiba yung political stand nila,” sey naman ni Ogie 

“Pero ito, hindi natin talaga alam kung ano ang rason kung bakit nawala ang interview ni Toni kay K. Brosa sa kaniyang YouTube channel,”sey pa ni Ogie 

Ngunit kwento naman ni Ogie, hindi raw big-deal para kay K ang pagkawala ng video niya.

"Sabi naman ni K, ‘Hayaan mo na. Baka may dahilan sila kung bakit nila hinide yung interview,’ sey ni Ogie


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form