Xyriel Manabat ibinahagi ingit at insecure siya sa mga mas sikat pa sa kanyang artista: "Feeling ko mas panget ako kay.."

 Matapang na inamin ni Xyriel Manabat na insecure raw siya sa mga artistang mas sikat pa sa kanya.

Larawan mula sa instagram: Xyriel Manabat 

Si Xyriel Manabat na may tunay na pangalan na Xyriel Anne Bustamante Manabat ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer. 

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.   

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Xyriel na naiinggit raw siya sa mga artistang mas sikat pa sa kanya dahil noong panahon ng kabataan niya ay fucos raw siya sa dami ng kanyang follower.

“Dumaan po ako sa phase na lagi kong kinu-compare followers ko sa ibang tao. Naging insecure ako mag-post kasi feeling ko ‘di ako kasing dami ng engagement ni ganito, ni ganyan. Feeling ko mas panget ako kay ganito, kay ganyan," aniya.

Ngayon ay hindi na siya masyadong tutok sa bilang ng mga followers niya, pero inamin niya na naaapektuhan pa rin siya ng mga bashers.

“Ang hypocrite ko kung sasabihin ko na strong ako kasi ‘di totoo ‘yun," sabi niya. "Kaya 'wag na natin dagdagan ang pagiging insecure ng isang tao. Maging mabait nalang tayo sa isa’t isa."

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. Self Confidence ang kailangan hindi kailangan maging alinlangan sa ano mang bagay pati na sa personal na panlabas na anyo.

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form