Naibahagi ni Miles Ocampo na ang kauna-unahan niyang role noong 2004 ay ang gumanap siya bilang batang Quiapo.
Screengrab mula sa Youtube: Bernadette Sembrano |
Ito ang ibinahagi ni Miles sa Youtube Channel si Bernadette Sembrano. Kwento niya na napasama raw siya sa teleseryeng pinagbibidahan ni Piolo Pascual at Angelica Panganiban, ang 'Mangarap Ka' na naisa-ere noong 2004.
Ang role raw niya sa naturang teleserye ay ang gumanap bilang isang batang Quiapo.
"First show ko, 'Mangarap ka' which is sa Quiapo rin siya shinoot," sabi ni Miles
Kwento pa ni Miles, pinagupitan pa umano siya ng buhok para lang umakma sa role dahilan para akalain na isa siyang batang lalake maging ang mga staff at crew sa naturang serye ay hindi alam ang tunay niyang kasarian.
Sa latest update tungkol sa kanyang career ay balik ulit siya sa Quiapo para sa teleseryeng Batang Quiapo ni Coco Martin.
Dahil sa kanyang galing ay maraming netizens ang humanga sa actress.
"Tapos yung naririnig ko 'yung comments nila, until now nakakabasa ako ng comments. Parang ang sarap sa feeling na hanggang ngayon pala may nakaka-appreciate sa akin. Iba yung validation na natatanggap ko for the past few days,"sabi ni Miles
"Weakness ko kasi 'yung pagsinabi nilang proud sila sa'kin... 'Pag naririnig ko 'yun sa boyfriend ko, sa management ko sa family ko,"dagdag niya
"Worth it pala ang pag-iri ko at paggapang ko sa palengke... I'm using it as a motivation na galingan ko pa, kasi ngayon ko lang napatunayan na may naniniwala pa sa'akin," aniya pa
Panoorin: