Ogie Diaz sinagot na ang viral na pahayag ni Liza Soberano na umanoy hindi nasusunod ang gusto niya sa kanyang career

Sinagot narin sa wakas ni Ogie Diaz ang naging pahayag ni Liza Soberano sa kanyang vlog na kung saan naglabas siya ng saloobin sa sa takbo ng kanyang career sa ABSCBN.


Sa pahayag kasi ni Liza ay tila  nagpahiwatig ang aktres na ikinahon lamang siya ng ABS-CBN sa tatlong genres. Nabanggit din nito na madalas siyang ipinapares sa kanyang boyfriend na si Enrique Gil. 

Sa latest vlog ni Ogie ay sinagot niya ang statement ni Liza. Si Ogie kasi ang naging talent Manager ni Liza.

Sabi ni Ogie:.

"Anak lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion, your suggestions. Pinapakinggan ka din naman pag may complaints ka, pero diba kung minsan we have to meet halfway, pinagbibigyan mo naman ang production kapag nilambing ka and I thank you for that.

"Pakikisama ang tawag doon anak, pagtatanim para in the future may aanihin. Hindi rin naman siguro ako magiging Ogie Diaz kung ako lang mag-isa, nakisama, naki-pr din naman ako, pag may gusto ka naman anak o may ayaw ka, isinasaalang alang din naman nila yun diba. 

"Tandaan mo anak, narating mo ang fame hindi lang sa akin at sa suporta ng Star Magic at ABS-CBN at ng production staff, dahil din yan sa dedication mo sa trabaho. Dahil yan sa'yo, kaya palakpakan mo rin ang sarili mo ha, lahat ng ito, nang narating mo pinaghirapan mo yan anak, para bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo, sila ang inspirasyon mo kaya minahal mo rin ang career mo. 

"Yung sinabi mong 'I didn't chose the name Liza, It was chosen for me', anak yung screen name na Liza Soberano ibinigay sayo ni tita Malou Santos, nang Star Cinema, yan ang nagtaguyod sa pamilya mo.

"Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang Daddy mo, nakakapagpadala ka rin ng tulong sa Mommy mo sa states, naibili mo ng bahay ang lolo at lola mo na kumopkop sa inyo ng kapatid mo na si Justin nung mga bata pa kayo sa amerika, lahat yan dahil sa'yo dahil sa pagiging Liza Soberano mo anak, mas isyu siguro yung screen name kung hindi tumatak sa mga Pilipino, kung hindi ka tinangkilik diba?

"Eto anak wa echos to, I wish you goodluck sa bagong bihis na Liza Soberano. Alam mo ito lagi kong sinasabi, malaki ang utang na loob ko sa iyo dahil ang mga kinita ko sa iyo bilang manager ang ipinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Miracle noong 2017 at 6 years old na siya ngayon. 

"Nung naghiwalay tayo bilang manager talent sabi ko sa'yo basta may concerns ka, problema o tanong ka, nandito lang palagi ang tito Ogie mo, maghihintay lang ako ng tawag o txt mo.

"Kaya doon sa mga bashers ko na mukha akong commission, na mukha akong pera na palibhasa na hindi ako ni renew bilang manager ni Liza, na pinayaman ako ni Liza Soberano, na kung di dahil kay Liza mamamatay ako sa gutom, darling no man is an island, oag hndi niyo alam ang meaning niyan baka kayo ang mamatay sa gutom,"

Narito ang kabuuang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form