Trina Candaza nagsalita na kaugnay sa umanoy hindi niya pagpahiram ng anak nila kay Carlo: "Hindi siya pumupunta"

 

Binasag narin sa wakas ni Trina Candaza ang kanyang katahimikan kaugnay sa mga pahayag ni Carlo Aquino na umanoy hindi ni Trina ipinapahiram ang kanilang anak.

Ayon kay Trina wala raw katotohanan ang mga sinabi ni Carlo. 

"That's not true Mama Ogs. I also pay half of our expenses. So para sa'kin, dalawa kaming nagpo-provide. Pwede naman niyang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo 'yun pero para sabihing binubuhay din niya ako parang... dalawa kami, nakaka-offend sa part ko 'yun Mama Ogs Kasi nagtatrabaho din ako," sabi ni Trina 

Nagbahagi rin si Trina ng kanyang mga realization: "Kapag ang lalaki nagbigay ng sustento for a month, mabuting tatay na sila. Pero kapag sa mga single moms nagtatrabaho kami, inaalagaan namin 'yung anak namin, kapag may sakit 'yung bata, kami. Pero once na may mali kaming nagawa, masamang ina na kami." 

"Kay Carlo kasi 'yung sustento niya, he can earn it in a day. Pero ako, 'yung pino-provide ko na half ilang trabaho 'yung katapat para ma-provide ko 'yung one month... Ang convenient pala maging lalake," dagdag pa niya 

Ibinahagi rin ni Trina na alam daw ni Carlo kung saan ang kanyang anak matatagpuan ngunit hindi daw ito pumupunta.

"Hindi ko pinagdadamot ang anak ko, It's just that, hindi siya pumupunta," sabi ni Trina 

Panoorin dito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form