Trina Candaza kumirot ang puso nang tawaging Daddy ni Mithi ang ibang lalake

 

Ibinahagi ni Trina Candaza sa isang panayam kay Ogie Diaz na hinahanap umano ng kanyang anak ama nitong si Carlo Aquino.

Kwento ni Trina pag may nakita umano itong lalake na may kasamang bata ay tawagin niya itong daddy.

"So si Mithi ngayun nagbago ba yung anak mo na hindi na nya nakikita magkasama ang parents nya?"tanong ni Ogie kay Trina

"May mga times na nagda daddy daddy sya, hinahanap nya tas minsan alam mo yun nakakakalabit ng puso pag may nakikita syang lalake tinatawag nyang daddy"paliwanag ni Trina

"Peru super baby pa sya nun naalala ko nun parang nakacheck in kami nun sa hotel, nagbakasyon lang kami, may nakita syang bata tsaka lalake, tinawag nyang Daddy"dagdag pa ni Trina

 Nang tanuning ni Ogie si Trina kung ano ang naramdaman niya nang marinig niyang tinawag na daddy ni Mithi ang ibang lalake.

Sabi ni Trina: "Syempre may kirot, syempre parang hindi buo yung family ng anak ko."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form