Cristy Fermin sinasabing maraming beses nagpadala ng pagkain si Sarah sa ina ngunit hanggat gate lang

 

Ibinunyag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na maraming beses na umanong nagpapadala ng pagkain si Sarah Geronimo sa kanyang ina ngunit hindi na raw ito pinapasok at hanggang sa gate lang.

Si Sarah Geronimo na may totoong pangalan na Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli ay isang singer, performer at actress. Siya ay unang nakilala ng manalo sa singing contest na "Star For a Night".

Sa online show ni Cristy Fermin, ay napag-usapan nila ang tungkol kay Sarah at kanyang mga magulang. Maraming beses na umano na nagpapadala si Sarah at asawa niyang si Matteo ng pagkain kina Mommy Devine at Daddy Delfin.

Ngunit hindi na raw nakakarating ang pagkain na pinapadala ni Sarah sa kanyang mga magulang.

"Maraming beses nang nagpapadala ng pagkain sina Sarah at Matteo sa subdivision kung saan nakatira ang mga magulang ni Sarah. Totoo pala 'yun. Sa gate pa lang barado na kaagad. Hindi na makatutuloy... Nakatimbre na hindi papasukin ang mga tao ni Sarah at ni Mateo. At hindi maaring iwan ang pagkain o anumang gustong ipaiwan para sa pamilya," sabi ni Fermin 

Ito lang umano ang tanging paraan na nakita ni Sarah para magkaayos sila ng kanyang pamilya.

Pwede mong panoorin dito ang buong pagtalakay ni Fermin kasama sina Rommel Chicka at Wendell Alvarez tungkol kina sara at kanyang magulang.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form