Julie Anne San Jose nagreact sa netizen na nagsasabing magaling pa siya umarte kay Judy Anne Santos

 


Nagbigay ng kanyang reaksyon si Julie Anne San Jose sa netizen na nagsasabing mas magaling pa umano siya umarte sa batikang actress na si Judy Anne Santos.

Si Julie Anne San Jose ay  ipinanganak noong May 17, 1994. Siya ay isang kilalang Filipino singer, songwriter, actress, host at television personality. Binasagan din si Julie Ann bilang "Asia's Limitless Star" dahil sa galing nito sa pag-awit at mga nakuha nitong achievements. 

Siya ay kasalukuyang nasa kapuso network at siya ang girlfriend ng dating kapamilya star na si Rayver Cruz.

Sa isang tweet, ikinumpara si Julie Anne kay Judy Anne Santos. Ayon sa netizen, magaling pa raw um-acting si Julie Anne kaysa kay Juday.

"Grabe [walang] sinabi si Mara – Judy Ann Santos kay Maria Clara – Julie [Anne] San Jose. Si Juday magaling lang lumuha pero hindi nakakadala. Si Julia [Anne] tagos bawat salita! Napakahusay!" sabi ng twitter user na si "BrayJa" na sa pagkakasulat na ito ay burado na ang kanyang post 

Photo Credits: Fashion Pulis 

Bagay na hindi sinang-ayonan ni Julis Anne. Ayon kasi sa kanya walang katotohanan ang sinabi ng naturang netizen. Marami pa raw siyang kakaining bigas para malampasan niya ang galing ni Juday.

"Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat," sabi ni Julie Anne 

Photo Credits: Fashion Pulis 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form