Moira nagreact sa netizen na manood ng concert niya sa Qatar na nagpapadala ng dangdit

 

Napareact ang kilalang hugoterang  singer na si Moira dela Torre sa isang netizen na manonod ng concert niya sa Qatar na nagpadala ng danggit sa singer.

Si Moira dela Torre na may tunay na pangalan na Moira Rachelle Bustamante Dela Torre ay ipinanganak noong November 4, 1993. Siya ay kilalang Filipino singer-songwriter. 

Kilala si Moira dahil sa mga hugot niyang kanta. Unang nakilala si Moira sa cover  niya ng kanta ng Imago na "Sundo", Moonstar88 na "Torete", at ang Himig Handog-winning single "Titibo-Tibo".

Viral din si Moira kamakailan lang matapos silang maghiwalay ng asawa niyang si Jason Hernandez. Ang kanilang relasyon ay nag-last lang ng tatlong taon.

Samantala sa post ng Kapamilya Online World ay ibinahagi nito ang screenshot ng convo ni Moira at ng isang netizen.

Ayon kasi netizen magpapasabay raw siya ng danggit kay Moira at bayaran na lang daw niya pagdating dahil manonood daw siya ng concert ng singer sa Qatar.

"Manunood po ako ng concert mo sa Qatar. Pwede pasabay po ng danggit? Bayaran q dito,” sabi ng netizen  

"Hanep," ang sabi ni Moira sa naturang netizens 

Good vibes naman ang hatid ng komento ng netizen.

Photo from: Kapamilya Online World




Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement