Alex Gonzaga umani ng batikos dahil sa video kung saan nilagyan niya ng cake ang noo ng waiter


Inulan ng pambabatikos ang actress at youtuber na si Alex Gonzaga dahil sa viral niyang video na kung saan nilagyan niya ng icing ng cake ang noo ng isang waiter.

Nangyari ang nasabing video sa 35th birthday celebration ni Alex kamakailan lang.

Ilang netizens ang tila hindi nagustuhan ang ginawa ni Alex sa naturang waiter na ayon sa ilan ay wala raw respeto ang actress.

Sabi ng ilang netizens:

"Nakikita ko sa tingin at aura ni.kuya server na napahiya siya at nagulat sa inasal ni Alex. Habang tinitignan ko ang video parang naiiyak ako. Naalala ko yung mga panahon na binubully ako parang ganoon na feeling" 

"Kung ako yung naghahawak ng cake at ginawa niya sakin yan, malamang naisupalpal ko yan sa mukha niya habang may apoy pa yung kandila" 

"what u did to this man is unacceptable!! This is not funny at all! Sana matuto ka rumespeto s mga nagttrabaho kagaya ni kuya!! Wake up alex!!!" 

"Hindi nakakatuwa, kita sa mukha ni kuya na offended sya sa ginawa ni Alex tsk" 

Narito ang video:

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. Feeling authorities sila??? Eh mga panget naman at dulung at pangahan pa????

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form