Posibleng makulong ng hanggang 62 years ang komedyanteng si Roderick Paulate matapos mahatulan ng guilty sa mga kasong graft at siyam na counts ng falsification of documents.
May kaugnayan daw ang kasong ito sa pagkuha ni Paulate ng "ghost employees" noong 2010 ayon sa Sandiganbayan 7th Division.
Si Roderick Mendenilla Paulate is ay isang Pinoy actor, TV host, comedian at politician. Walong taon ang parusa sa graft habang hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada count ng falsification of documents kaya kung kukuwentahin ay maaaring makulong ang komedyante ng hanggang 62 taon.
Source: ABSCBN News
Bago siya maging politiko ay naging host siya ng ilang TV shows Vilma On 7, Tonight With Dick & Carmi, Magandang Tanghali Bayan, at The Singing Bee.
Tags
Roderick Paulate