No results found

    Aj Raval binasag na ang katahimikan sa isyung diumanoy nanganak na siya sa anak nila ni Aljur

     

    Binasag narin sa wakas ni AJ Raval ang kanyang katahimikan kaugnay sa tsismis na umanoy nanganak na siya sa anak nila ni Aljur Abrenica.

    Ayon sa artikulo ng ABANTE, sinabi umano ni AJ sa isang komento sa Facebook na sira ulo ang ang nagsasabing nanganak na siya.

    "Siraulo mga yan hahaha,” ani AJ.

    “Nanahimik ako dito,” dagdag niya. 

    Nag-umpisang kumalat ang tsismis na ito matapos ibinunyag ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na sinabi umano ng kanyang source na nanganak na ang actress.

    Namataan rin daw si Aljur na nag-aantay kay Aj sa labas ng ospital.

    "Ako'y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang," sabi ni Ogie sa kanyang vlog 

    Source: ABANTE 

    Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo ba? Kung may suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

    Post a Comment

    Dont Forget to Leave a comment

    Previous Next

    Advertisement

    Advertisement

    نموذج الاتصال