Matet de Leon di mapigilang maiyak na naglabas ng "hinanakit" laban sa inang si Nora Aunor

 

Talagang di mapigilang maiyak ni Matet de Leon na naglabas ng kanyang hinanakit sa ina niyang si Nora Aunor.

Sa interview ni Ogie Diaz, ay denepensahan niya ang kanyang sarili pati narin ang kanyang mga kapatid sa natanggap nila umanong pambabatikos.

"You know, we have to defend ourselves also. Kasi kagaya ng sinabi ko dati, para kaming nakabusal. Wala kaming pwedeng sabihin, para kaming nakatali. Wala kaming pwedeng gawin. Tapos sasampal-sampalin lang kami ng mga tao. Proteksyon namin kay mommy yun,” sabi ni Matet 

Habang naiyak ay ikinuwento ni Matet kung paano sila nanahimik para proteksyonan ang kanilang ina.

"Mahirap. Ayaw namin siyang masira kaya nagpapasampal kami sa mga tao. Kung pagsalitaan kami, akala mo nakatira sa bahay. Pero yung mismong nakatira sa bahay namin, na alam kung ano nangyayari, sila yung hindi nagsasalita,” kwento ni Matet 

"Hindi kami pwedeng magsalita. Tignan mo yung nangyari sa akin ngayon. Kahit na mali yung ginawa, ako pa rin ang mali. Oras na para ipagtanggol ko ang sarili ko at ang mga kapatid ko rin,” sabi pa ni Matet

Si Matet de Leon-Estrada ay isang Filipina actress na nagsimula sa kanyang carrer bilang child star. Siya ay ampon nina Christopher de Leon at Nora Aunor.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form