Chito Miranda dismayado sa resulta ng Avatar App? , “Ay…bakit ganun?"

 

Viral na ngayon sa social media ang post ng Vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Sa kanyang post, ay ibinahagi ni Chito ang kanyang mga edited na larawan mula sa isang IA app na makagawa ng ibat-ibang unique avatars.

Ito ngayon ang uso sa ibat-ibang social media accounts.

Tila hindi nagustuhan ni Chito ang naging resulta sa kanyang avatar. Aniya sayang daw ang binayad niya sa App. Hindi naman malinaw kung nagbiro ba si Chito sa kanyang post o hindi.

“Ay…bakit ganun? Parang di sulit yung binayad ko sa app?” sabi ni Chito sa kanyang caption 

Marami naman sa kanyang followers ang nagreact maging ang ilang celebrities gaya na lamang nina Joross Gamboa at Garry Valenciano.

Sabi ni Joross “Muntikan ko na sabihin get well soon.”

 Sabi naman ni Garry“Hahahahha….try yung mga pics mo na konti lang ang background…yung Di cluttered. Sana Ikaw lang na solo. Best yata to use studio shots. Suggestions Lang naman.

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement