Anak ni Vhong labis na naapektuhan sa pagkakulong ng actor

 

Labis na naapektuhan ang anak ng actor na si Vhong Navarro dahil sa kanyang pagkakakulong. 

Sa interview ng Pep.ph sa dating asawa nito na si Bianca Lapus ay ibinunyag niyang hindi raw makatulog ang isang anak ni Vhong na si Yce dahil sa pag-alala nito sa kanyang ama.

 "Ang pinakalagi niyang nasasabi sa akin, lalo na nung mga nakaraan na hindi siya makatulog, ang ganda ng kama niya, ng kuwarto niya, naka-aircon siya. Ang lambot ng kama niya, ng unan niya na prinovide ng tatay niya... 

"Samantalang ang tatay niya, alam niyang hindi komportable kung paano siya matulog ngayon. So, para sa akin, nung narinig ko yun, di ba, masakit? 

"Masakit siyang isipin na, 'Oo nga naman. Yung taong nag-provide sa iyo ng comfortable life, hindi siya komportable ngayon kung nasaan man siya.'" 

Samantala inilipat na si Vhong kamakailan lang sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center.

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness. 

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong.

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form