Sasakyan nina Ronnie Alonte at Loisa Andaloi binasag ng mga kawatan

 

Binasag ng mga kawatan ang sasakyan ng reallife couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andaloi.

Makikita sa mga larawan na ipinost ng ABSCBN News, wasak ang windshield ng Jeep Wrangler Wagon nina Ronnie at Loisa. 

Base sa report ng ABSCBN News, nabiktima ang celebrity couple ng Basag-Kotse Gang sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Cavite, kagabi, November 30.

Kinumpirma din ng Bacoor City Police, na  natangay ng mga magnanakaw ang dalawang iPhone 11 at isang iPhone 13.

Hindi naman nasaktan ang dalawa sa insedente. 

Si Ronnie Alonte ay isang Pinoy actor, singer, at dancer. Siya ay kabilang sa mga pelikulang Seklusyon (2016), Vince and Kath and James (2016), and its sequel James and Pat and Dave (2020).

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form