Nagbigay na ng kanyang prangkang saloobin si Xian Gaza kaugnay sa mga nagpakalat ng tsismis tungkol sa mag-asawang Angel Locsin at Niel Arce na pati si Maxene Magalona ay nadamay rin.

Ayon kay Xian nananahimik raw ang tatlo kaya mas mainam na irespeto nila ito.

Nakiusap rin siya sa publiko na itigal na ang paniniwala sa mga fakenews.

"Guys, pakiusap ko lang no. Respeto nalang sana sa mag-asawang Angel at Neil. Grabe nagpapaniwala kayo sa mga fake news"sabi ni Xian

"Dinamay niyo pa 'yung isang babaeng nananahimik na may pinagdadaanang depresyon ngayon. Dinamay niyo pa si Maxene, my god! Respeto nalang sana sa mga tao."sey pa niya 

"Nananahimik sila o tapos gagawan niyo ng kwento. Diyos ko! Magbago na kayo. 'Di tama 'yung ganyan. Karma ang aabutin niyo sa buhay sinasabi ko sa inyo. Nabubuhay pa kayo sa mundo, sinusunog na ang kaluluwa niyo sa impyerno.Magbago na kayo. Respeto nalang sa tatlo 'di ba? 'Di niyo ba alam 'yung salitang respeto?" ayon pa kay Xian  

Anong masasabi niyo dito? Agree ba kayo sa sinabi ni Xian?

Si Angel Locsin ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Siya ay bida sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” 

Kilala rin si Angel bilang isang "real life darna" dahil laging siyang present sa tuwing may mga sakuna na kung saan naghahatid siya ng tulong.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post