Tapat na inamin ng actor na si Joshua Garcia na siya ay single.

Sa isang interview, inamin ni Joshua na nainggit siya ng konti sa mga kaibigan niya ng magbakasyon sila sa Jaoan na may kanya-kanyang partner.

Maalala na kamakailan lang ay magkasamang lumipad sina Joshua kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Zanjoe Marudo,Ria Atayde.

Samantala sa isang panayam ay tinananong ni Ogie si Joshua: "Si Joshua ay single o double na?"

Sagot ni Joshua: "Single."

Sabi naman ni Ogie: "So hindi totoo 'yung ano?"

Sagot naman ni Joshua: "Tsk...Huwag na natin pag-usapan 'yon. Basta ako, single ako. Nag-iisa ako, 'di ba? Wala akong kasama sa Japan, e."

Tanong pa ni Ogie: "Hindi ka naiinggit na ikaw lang ang walang kasama sa Japan?"

Sagot naman Joshua: "Naiinggit. May mga times na naiisip mo na sana may kayakap ka. Pero kasi kasama ko mga kaibigan ko, as one kami so 'di ko naramdaman na naiwan ako do'n." 

Pwede mo panoorin ang buong interview dito:

Si Joshua Garcia ay isang Filipino actor, dancer, at commercial model. Unang nakilala si Joshua ng sumali siya reality siya na Pinoy Big Brother: All In. 

Sumikat si Joshua dahil sa galing niya sa pag-arte sa seryeng "The Good Son". 

Marami naring nagawang teleserye si Joshua gaya na lamang ng  Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015), The Greatest Love (2016), Ngayon at Kailanman (2018), The Killer Bride (2019), Viral Scandal (2021), at ang kasalukuyan ngayong Darna (2022). 

Bida rin siya sa mga pelikula ma  Love You to the Stars and Back (2017), Unexpectedly Yours (2017), I Love You, Hater (2018), at Block Z (2020). 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post