Nawindang si Iwa Moto sa mga pulubing bata na nanghihingi ng pangkain sa kanya na tumatanggap narin daw ng GCASH.

Sa kanyang tiktok ay ikinuwento ni Iwa ang nangyari. 

Pumunta raw siya sa isang tindahan para bumili at wala raw siyang dalang pera. Tanging cellphone at susi ng sasakyan lang dahil pwede naman sa nasabing tindahan ang e-wallet.

Nang lumabas na raw siya ay may tatlong mga bata ang humihingi ng pangkain. 

Ngunit dahil wala siyang dalang pera ay sinabihan niya ito. Ngunit laking gulat niya na yung isang pinakamaliit na bata ay nagsasabing pwede raw silang tumanggap ng GCASH.

Kaya naman halos di makapagsalita si Iwa at nagulantang sa sinabi ng bata.

Narito ang video: 

@iam_iwa

Random hanash😝

♬ original sound - Iwa Moto

Si Iwa Moto ay Filipina reality television personality, actress, at model. Siya ay isang "Startruck" third season first runner up. Ilan sa mga show na naging parte ang actress ay ang “Kung Mahawi Man Ang Ulap” at “Darna”.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post