Sinamahan ni Tanya Bautista-Navarro ang kanyang asawang si Vhong Navarro habang inilipat ito sa Taguig City Jail.

Makikita sa video na ibinahagi ni Niko Baua sa kanyang twitter na naka-suot ng kulay orange na t-shirt ang actor.

Hindi masyadong klaro ang kuha ng video dahil nasa malayo ang nagvi-video.

Wala sa kanila ni Vhong at Tanya ang na-interview habang inilipat ang actor mula sa NBI Detention Center papuntang Taguig City Jail.

Ang order na ilipat si Vhong sa Taguig City Jail ay mula sa Taguig RTC Branch 69.

Narito ang video:

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa mga main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post