Mga netizens labis na ikinalungkot ang pamamaalam ng MMK matapos ang 3 dekada, Charo naglabas ng pahayag

 

Labis na ikinalunglungkot ng maraming netizens ang pagtatapos ng Maalala Mo Kaya sa matapos ang tatlong dekada nitong pagbigay inspirasyon sa mga manonood.

Sa Facebook page ng MMK ay ipinost nito ang video kung saan tuluyan ng namaalam si Charo Santos at nagpapasalamat sa lahat ng taong bumuo sa longest-running drama anthology sa Asya.

Sabi niya:

“Ilang inspirasyon ang maipapaloob sa 31 taon. Hindi na po mabilang ang naisalaysay nating kwento dito sa MMK—mga kwentong totoo, mga salamin ng sarili n’yong buhay na nagbigay ng panibagonf aral at pag-asa.

“Kami po ay tagapaghatid lamang ng mga kwento. Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang-isip na piliin muli ang role na ito. Kulang po ang 31 taon para magpasalamat sa inyo.

“Gayunpaman, gusto ko pong magbigay-pugay sa lahat ng nagpadala ng sulat, sa aming mga direktor, writers, researchers, production staff, at sa lahat ng naging bahagi ng aming programa; sa mga artistang gumanap, maraming maraming salamat; sa management ng ABS-CBN, sa aming mga sponsors, at higit sa lahat, sa inyong mga tagapanood.

“Kayo ang nagsasabi na makahulugan sa inyo ang aming ginagawa. Salamat po sa lahat ng nakaraan at sa anumang paraan na maaari pa tayong muling magkita.

“Ito po si Charo Santos, ang inyong tagahanga at tagapagkwento.”

Samantala mapapanood naman ang huling 3-part episode ng MMK ngayong Sabado, November 26.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form