Di magpigilang magreact ng beteranang columnist na si Cristy Fermin matapos makita niyang nakaposas ang actor na si Vhong Navarro.

Matatandaan na inilipat na mula sa NBI Detention Center si Vhong Navarro papunta sa Taguig City Jail.

Ibinahagi rin ng NBI ang larawan ni Vhong na na nakasuot ng kulay orange na tshirt at nakasumbrero.

Sa isang show ni Fermin, ibinahagi niyang nasaktan siya ng makita niya si Vhong na nakaposas.

"Yung tinakpan ng panyo o twalya 'yung kanyang mga kamay, opo, totoo po 'yan na kailangang gawin ng mga taga-NBI 'yan. Kasama po 'yan sa protocol"sabi ni Fermin 

"Pero napakasakit po kasing tanggapin na ang isang kasama namin sa industriya ay makikita namin talaga na nakaposas. Diba napakasakit no'n? Sa totoo lang,” dagdag pa niya 

Pwede mong panoorin ang buong pagtalakay ni Fermin kay Vhong sa tatak na 5:41:

 Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post