Viral na ngayon sa social media ang actual video ng kung saan inilipat na ang actor na si  Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Ang nasabing video ay kuha sa paglabas ni Vhong mula sa NBI Detention Center na kung saan doon siya naka-detain simula pa noong September.

Ang nasabing video ay ibinahagi ng ABSCBN News sa twitter.

Panoorin dito ang video:

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa mga main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post