Di mapigilang maiyak ng actress na si Kaye Abad matapos di nakasama at naiwan ang kanyang anak ng pumunta sila sa Amerika.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Kaye ang kanyang panghihinayang matapos nilang malaman na hindi pwede makasama ang kanilang anak na panganay na si Joaquin dahil na-deny ang visa application nito.

Ayon kay Kaye, para raw sa mga bata ang nasabing bakasyon nila sa Las Vegas.

"The whole family is going pero hindi siya makakasama," ani Kaye. "This trip is for the kids because of the pandemic, so treat talaga ito sa kanila."

Gusto nalang daw sana nilang mag-asawa na huwag nang ituloy ang bakasyon ngunit nasasayangan raw sila sa gastos. Pero imbes na tatlong linggo, iniksian na lang nila ang bakasyon sa 10 araw.

Iniwan ng mag-asawa ang bata sa ina ng aktres. 

Panoorin:

Si Kaye Abad ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Siya ay nagsimula maging artista noong 1994 at isang miyembro ng ABS-CBN's Star Magic. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post