Ililipat na ang actor at tv host na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Ayon sa report ng 24 Oras, alinsunod umano ito sa nilabas na commitment order ng Taguig RTC Branch 69. 

Habang inihanda pa ang mga kaukulang dukomento para sa paglipat ni Vhong ay kasalukuyan munang nakadetain ang actor sa NBI Detention Center.

Isasailalim din si Vhong sa health protocol requirement bago ilipat sa bagong kulungan nito.

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa mga main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Be out na si vhong N..wala namn sy kasalanan gumanti lang sa 8months na jail nila..now gs2 more pa sa jail c vhongπŸ€ͺπŸ˜­πŸ˜…πŸ˜­πŸ˜…πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™
Previous Post Next Post