Ricci Rivero pumalag sa post ni Xian Gaza tungkol kay Andrea: "Bida-bida ka masyado"

 

"Bida-bida ka masyado" 

Ito ang naging banat ng basketbolistang si Ricci Rivero sa post ni Xian Gaza tungkol sa girlfriend niyang si Andrea Brillantes. 

Sa Facebook post kasi ni Xian nitong Lunes ay nagpost si siya tungkol kay Andrea. 

Aniya pupunta raw siya sa meet and greet ni Andrea sa Dubai para mambwiset.

 "For the last one year eh maraming beses kong tsinismis si Andrea Brillantes. Punta kaya ako sa meet & greet niya dito sa Dubai para mabwiset. Pila ako with face mask tapos kapag turn ko na bulagaaa nyeeeaaaaam hahaha badtrip siguro yon" sabi ni Xian 

Kaya naman sa kanyang IG story ay ipinost ni Ricci ang screenshot ng nasabing post ni Xian at mababasa sa caption ng kanyang post na sinabihan niyang bida-bida ito.

Screengrab mula sa IG ni Ricci Rivero

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala bilang Andrea Brillantes ay isang Pinay actress. Kilala si Andrea sa kanyang role sa Annaliza noong 2013 at Marga Bartolome sa Kadenang Ginto noong 2018. Kasama rin siya sa television series na E-Boy (2012) at Alyna (2010).

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form