Karla Estrada tinapos na ang rumor na umanoy may alitan sila ni Regine Velasquez

 

Parang tinapos narin sa wakas ni Karla Estrada ang rumor na umanoy may alitan sila ni Regine Velasquez. 

Ito ay matapos ibinahagi ni Karla sa kanyang instagram ang proud moment niya kasama si Regine.

Sa nasabing video kasi ay naka-duet ni Karla si Regine na umanoy kanyang idol sa kanya mismong birthday.

Ayon kay Karla, isa umanong karangalan ang maka-duet niya ang kanyang idolo.

"Kahit isang kanta lang! Karangalan at katuparan ng pangarap ko maka duet ang aking idol! @reginevalcasid Thank you idol! Love you,”sabi niya sa kanyang caption 

<
p>Matatandaan kasi na may mga lumalabas na rumor na may alitan ang dalawa matapos palitan ni Regine si Karla sa Magandang Buhay sa kasagsagan ng campaign period noong nakaraang eleksyon.

Dahil sa video na ito, ay parang tinapos na ang mga nasabing rumor tungkol sa dalawa at walang naging problema sa pagitan nina Karla at Regine.

Anong masasabi mo sa artikulong ito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form