Viral ngayon sa social media ang pagbirit ni Anne Curtis sa kantang "Gusto Ko Nang Bumitaw". 

Sa isang episode sa Its Showtime ay nagkaraoke sila at ang kasama ni Anne na kumanta ng nasabing kanta ay sina Jackie at Cianne. 

Kita sa video na talagang ibinigay nilang tatlo ang kanilang best sa nasabing kanta.

Samantala sa kanyang twitter, ay nagpost si Anne na hindi na raw niya iyong gagawin ulit.

“Confirm po. Ayaw po magpakanta sa iba ung kantang 'Gusto ko nang Bumitaw' pang Sheryn, Morisette & Ate Reg lang daw talaga,” sabi niya 

“Hindi na po mauulit! Hahahaahahaha.”dagdag pa niya 

Panoorin dito ang kanilang performance:

Si Anne Curtis ay kilalang tv host, actress at model dito sa Pilipinas. Isa sa mga tumatak na serye ni Anne Curtis sa manonood ay ang seryeng Diyosa.

Samantala kasalukuyan namang ngayon main host si Anne Curtis sa noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post