Emosyonal na nagbigay ng mensahe si Vice Ganda sa kanyang kaibigang si Vhong Navarro.

Ang nasabing mensahe ni Vice ay kanyang sinabi sa latest episode ng It's Showtime.

Si Anne ang unang nagsabi na nami-miss na nila si Vhong. Matatandaan na naka-detain si Vhong sa NBI dahil sa mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

"And Vhong, we miss you," sabi ni Anne 

Sinundan ito ni Vice ng mensahe para sa actor. Aniya araw-araw raw nilang nami-miss ang actor.

"And Vhong, hinding-hindi ka namin nakakalimutan. Araw-araw naalala ka namin. At araw-araw nagdadasal kami para sayo. Araw-araw isa ka sa mga hiling na ibinibigay at ibinubulong namin sa Diyos. Kasama ka namin dito at excited na kaming makasama ka pa naming muli dahil alam naming makakasama ka namin muli. "sabi ni Vice

"Mahal na mahal ka namin, Vhong Navarro. Ang tagumpay ng Showtime noon, ngayon at ang magiging tagumpay niya pa sa kinabukasan ay kasama ka Vhong Navarro,"dagdag pa niya 

Pwede mong panoorin ang buong video dito:

Si Vice Ganda ay kilalang komedyante at TV-host dito Pilipinas. Siya ay tinaguriang unkabogable star dahil sa mga box office hit niyang nga Pelikula. Kasalukuyan din ngayong main host si Vice ng noontime show na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post