Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ng kanyang mensahe ang unkabogable star na si Vice Ganda sa dating Its Showtime Direktor na si Bobet Vidanes at sa dating Its Showtime host na si Billy Crawford.

Naganap ang mensahe ni Vice sa awarding ng Magpasikat 2022 na kung saan si Ryan Bang at Jhong Hilario ang nanalo.

“Gusto ko rin magpasalamat sa mga hindi na natin kasama. Dahil yung mga hindi na natin kasama, sila yung nagsimula ng programang ito. Isa sila sa mga unang taong nag-isip, napagod, naging paa’t kamay ng programa,” sabi ni Vice 

“Gusto kong magpasalamat at balikan yung pinagmulan natin. Direk Bobet Vidanes, thank you very much. Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet, thank you very much,” dagdag pa ni Vice 

“Sa lahat ng mga host na nagsimula nito kasama na diyan si Kuya Kim, thank you very much. Billy Crawford, thank you very much. Coleen, Eruption, thank you very much. Joey Marquez, thank you very much.”dagdag pa nito

“Gusto kong balikan lahat ng masasayang alaala kasi masayang-masaya naman tayong lahat, mahal na mahal natin yung isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan. Bago tayo nagkasakitan. Bago tayo nagalit sa isa’t isa, nagmahalan tayo,” sabi pa niya 


Si Vice Ganda ay kilalang komedyante at TV-host dito Pilipinas. Siya ay tinaguriang unkabogable star dahil sa mga box office hit niyang nga Pelikula. 

Kasalukuyan din ngayong main host si Vice ng noontime show na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post