Binasag narin sa wakas ni Neil Arce ang kanyang katahimikan kaugnay sa nagsilabasang tsismis na umanoy hiwalay na sila ng kanyang asawang si Angel Locsin.

Sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz naibahagi ang naging pahayag ni Neil kaugnay sa isyung ito.

Umalma si Neil sa nagsilabasang fakenews na umanoy hiwalay na sila ni Angel at wala raw itong katotohanan.

Ayon kay Niel, bilang mga matulungin naman sila ni Angel, donasyon na lamang nila sa mga nagpapakalat ng fake news ang kinita nila. Binanggit din niya ang mga taong sumusuporta at nagsubscribe sa mga nagpapakalat ng fake news. Aniya, deserve ng mga ito na makarinig ng kasinungalingan. 

"Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan. "sabi ni Neil 

Pwede mong panoorin ang vlog ni Ogie dito kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa isyu: 

Si Angel Locsin ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Siya ay bida sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Kilala rin si Angel bilang isang "real life darna" dahil laging siyang present sa tuwing may mga sakuna na kung saan naghahatid siya ng tulong.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post