Sobrang proud ang actor na si Paolo Contis kay Yen Santos nang manalo ito bilang best actress para sa pelikulang A Far Away Land sa Gawad Urian.

Magkatambal sinabi Yen at Paolo sa nasabing pelikula na kinuha pa ang mga eksena ng pelikula sa Faroe Islands, Kingdom of Denmark, at ipinalabas ito sa Netflix simula noong August 19, 2021. 

Kaya naman sa kanyang facebook post ay agad na binati ni Paolo ang kanyang leading lady sa nasabing pelikula.

"Congratulations Lilieyen Santos. I'm sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile," pagbati ni Paolo na may tonong pagmamahal 

Matatandaan na nagviral sina Paolo at Yen matapos maispatan ang dalawa na magkasama sa Baguio "as a friend". 


Si Yen Santos ay kilalang actress dito sa Pilipinas. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen Clash 2010.

Sumikat ang actress dahil sa pagganap niya bilang si Ysabel Espiritu sa Pure Love, isang Philippine adaptation ng Korean drama na 49 Days. Bumida rin si Yen sa hit series ng Kapamilya Network na Halik kung saan kasama niya sina Sam Milby, Jericho Rosales at Yam Concepcion.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post