Di mapigilang maging emosyonal ng mga Its Showtime host dahil sa ginawang kanta ni Teddy Curpoz na "Laban".

Ang nasabing kanta ay pinerform nila sa Magpasikat na ayon kay Kim Chiu ay para raw ito sa taong miss na miss na nila.

Maging ang kapwa nila host ay hindi rin mapigilang maging emosyonal sa ibinahagi ni Kim.

Ayon naman ni Vice, panigarado na masaya raw ang tao na ginawan nila ng kantang ito. Hindi naman nila direktang sinabi kung sinong tao ang ginawan nila ng kantang ito.

Samantala nakasama nina Kim, Teddy at Jugs Jugueta ang ilan sa mga bigating pangalan pagdating sa musika. Kaya naman, halos lahat ng hurado ay natuwa na muli nilang maranasan na makapanuod ng live concert na matagal ding nawal simula nang magkaroon ng pandemya.

Narito naman ang kanilang Magpasikat performance. Si Kim Chiu ay unang nakilala showbiz matapos siyang sumali ay manalo bilang big winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition. 

Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post