Tila nanghihinayang ang beteranang columnist na si Cristy Fermin sa naiwang magandang career ni Liza Soberano sa Pilipinas.

Ayon kasi kay Fermin sa kanyang online show na "Showbiz Now Na" ay parang sumadsad raw ang career ngayon ni Liza sa Amerika na dating inalaagaan ng kanya dating manager na si Ogie Diaz.

"Alam ko pong medyo magiging emosyonal si Ogie Diaz tungkol sa aming usapin na ito," sabi ni Fermin 

"Inalagaan ito ni Ogie e, pinalaki ito ni Ogie. Iningatan ng todo-todo para maabot 'yung pangarap niya. At nagtagumpay naman sila bilang talent at manager... Tapos biglang ganito? 'Yung pinaghirapan niya parang sumadsad e. Sadsad masyado." dagdag pa niya 

Kaya naman ay napatanong tuloy si Fermin na baka raw may nagsulsol kay Liza na kumawala kay Ogie.

"Ito lang punto natin na inalagaan ni Ogie Diaz ang kanyang karera, pinagtagumpay naman siya ng kapalaran hindi ba? Hindi kaya may nagsulsol sa batang ito para kumawala sa pangangalaga ni Ogie at lumipat ng iba," sabi ni Fermin 

Si Liza Soberano ay kilalang actress dito sa Pilipinas. Kilala sila bilang kalove-team at nobya ng actor na si Enrique Gil. 

Kasalukuyan ngayong nasa ibang bansa si Liza para i-pursue ang pangarap niya sa Hollywood.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post