Di mapigilang magreact ni Kuya Kim sa ipinaabot ni Mensahe ni Vice Ganda sa dating nitong mga kasamahan sa Its Showtime.

Sa nasabing mensahe ay pinasalamatan ni Vice ang dati niyang kasama sa nasabing show gaya na lamang nina Direk Bobet, Billy Crawford, Kuya Kim at iba pang staff.

"Gusto kong magpasalamat at balikan yung pinagmulan natin. Direk Bobet Vidanes, thank you very much. Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet, thank you very much,” sabi ni Vice

“Sa lahat ng mga host na nagsimula nito kasama na diyan si Kuya Kim, thank you very much. Billy Crawford, thank you very much. Coleen, Eruption, thank you very much. Joey Marquez, thank you very much.”dagdag pa niya 

Kaya naman sa kanyang tweet ay tinanggap ni Kuya Kim ang pasasalamat na iyon ni Vice : "You're very welcome @vicegandako all the best for you and the @itsShowtimeNa family." 

Sinagot din ni Kuya Kim ang nagsasabing nasira ang relasyon nila ni Vice.

"Di naman nasira. We are all family regardless of network or show. :)"sabi ni Kuya Kim

Si Vice Ganda ay kilalang komedyante at TV-host dito Pilipinas. Siya ay tinaguriang unkabogable star dahil sa mga box office hit niyang nga Pelikula. Kasalukuyan din ngayong main host si Vice ng noontime show na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post